Thursday, November 16, 2006

wala lang

Ngayon ko lang na-realized that I have a problem with "normalcy" or plateau moments. Ung tipong steady lang, walang nangyayaring kakaiba. I have this excitement addiction. Ung dapat may weird na situation or something new all the time that's happening to me. Kahit negative basta it would make my heart beat faster or have this adrenalin rush. Bored na bored ako when the week passes na stay put lang ako. Gusto kong maging reporter dati. I imagined travelling to war-torn places and barely escape being shot, ma-action. Madrama. Gusto ko noon ng documentary. Ang sabi ko sa Probe ako magwork. Kasi idol ko yung 2nd cousin kong si Kara Magsanoc-Alikpala (yes, ung nanay nya ang Editor in chief ng Inquirer).

Pero di ko alam kung bakit napunta ko sa pang-showbiz, pang-lifestyle na klase ng work. Tapos natuwa din ako sa PBA noon. Gusto kong magtrabaho sa Vintage Sports. Nag-struggle na din ako nun, parang nababawan ako sa ginagawa ko. But then kung makakapagpasaya naman ng tao ung show o kaya matutong kumanta, I think may kabuluhan din di ba. Tsaka pag performance night, proud na proud ung mga parents sa anak nila. As coach (kahit na feeling ko kulang ako sa credentials), fulfilling yun sobra.

I'm still wondering kung ano pang field of work ang pwede kong gawin. Ung marketing nga nagulat ako kasi wala naman akong subject na ganito at all nung college. It's great to learn as I go along. Wag lang akong magbenta kasi di ako magaling mag convince or mag helpdesk kasi mahihiblood lang ako. Ok na ko sa research at magsulat. At gumawa ng radio ad. At syempre kumanta for a living. Gusto ko magback up. Dream ko yun. Yung anonymous ka pero mas magaling ka sa lead singer. bwahaha.

Kaya nga natatawa ko ngayon. Kasi my weekends are the same unless I have to really go to an important appointment. Bond with Rye, watch tv or film, read a book and sleep. Mas gusto ko pang matulog ngayon kesa lumabas. Kaya nga nung nag-Malate kami, namiss ko ung place pero at the same time, I knew I could never be as carefree or as puyat or as tipsy tulad ng dati. Iba na talaga. Pero di ako nag-regret (motto ko yan kahit ayaw maniwala ng iba) kasi na-enjoy ko naman lahat eh. Hinihintay ko lang na maglakad ng maayos si Rye bago maglakwatsa kasama sya. Naglalakad na sya pero pag trip nya lang tsaka pag may nanonood. Pasikat nga.

Walang pattern itong entry ko pero I think the bottom line is I still have a lot to do. I want to surprise myself. Ayokong nilalagay ako sa kahon. I'm too complicated.

No comments: